Friday, August 23, 2013

Pribilehiyo .Isang araw para kay St.Padre Pio

Isang napakahalagang araw na maituturing para sa akin. Aug.23,2013,Friday. Nagkaroon ako ng pribilehiyo na makapagsimba sa shrine ni St.Padre Pio sa Sto. Tomas Batangas.
Last sunday.. habang nag fe facebook ako..isang kaibigan ang nangumusta sa akin.Kamusta na daw ako, anong pinagkakaabalahan. Sabi ko.."eto magtatrabaho na ako uli.Matagal na din kase akong walang ginagawa at medyo naiinip na din sa bahay..napaka Unproductive ng buhay". At naitanong nya.. kung magkaka baby na daw ba ako? ang sagot ko naman " nako, hindi pa rin.. indi ko alam..sa totoo lng parang gusto ko ng sumuko." Sabi nya..WAG! magsimba ka sa Shrine ni Padre Pio..ang asawa ko 7 weeks ng buntis matapos kaming magsimba at manalangin sa kanya; " Nabuhayan ako ng loob.. ang sabi ko..napakabait ni God. Bigla kong tinawagan ang asawa ko at sinabi ko sa kanya ang ishinare ng kaibigan ko sa akin. Plinano namin ang araw ng pagsimba.Suppose to be.. Martes. Sabi ko din..kailangan ko makapag simba agad kase magsisimula na ako ng training sa araw ng Huwebes., Aug, 22. ngunit di kami natuloy dulot ng sama ng panahon. Dumaan ang malakas na bagyong "Maring". Ang sabi ko..naku...sana makapagsimba pa din ako bago mag Huwebes.Araw ng  Miyerkules..nakatanggap ako ng message mula sa HR ng kumpanyang papasukan ko. Sabi nya..sa halip na Huwebes e Sabado na lang ako mag report. Napakaligaya ko..nung mag search ako sa internet nakita ko na every 23rd ng month ang schedule ng Healing Mass sa ganap na alas nueve. Dumating ang araw ng Biyernes. (ngayon) akala ko ay di na kami aabot.Hindi nag alarm ang celfone ko..at nalobat naman ang celfone ng asawa ko.Lagpas alas sais na ng kami ay nagising.Halos walang laman ang tyan..kape lang at byahe na agad..kailangan namin abutan ang oras ng misa. Pagdating namin saktong alas 8:55 am.. Hindi pa nag uumpisa pero madami ng tao. Buti na din lang medyo nahuli kami sa oras.. Isang pribilehiyong nakapag mano kami  kay Cardinal Rosales. Kinilabutan ako.. first time ko kase sya makita ng personal at yun nga sya pa ang nagdiwang ng napakagandang misa. Sa homily..nasamabit nya din ang salitang Pribilehiyo...Pribilehiyo sapagkat...first time namin marating ang lugar..sumikat ang araw, gumanda ang panahon at saktong araw ng Healing Mass.Napakasaya sa pakiramdam..dahil ramdam na ramdam namin ang pagka solemn ng misa..Masaya ako dahil na renew ang faith ko. Sana, pakinggan din ni Lord ang prayers namin. Thru Padre Pio..sana po i bless nyo kami.
Eto yun ilang pictures na nakuha ko... (konti lang)

baby pink para sa baby

can you spot Padre Pio? :-) 


















Cardinal Gaudencio Rosales